International Journal For Multidisciplinary Research

E-ISSN: 2582-2160     Impact Factor: 9.24

A Widely Indexed Open Access Peer Reviewed Multidisciplinary Bi-monthly Scholarly International Journal

Call for Paper Volume 7, Issue 1 (January-February 2025) Submit your research before last 3 days of February to publish your research paper in the issue of January-February.

Paglalakbay sa Lunggati: Karanasan ng mga nakatapos na filipino medyor sa pakikipagsapalaran sa LET Rebyu.

Author(s) Albert C. Mabit, Jobell D. Jajalla, PhD
Country Philippines
Abstract Ang pananaliksik na ito ay tumutuon sa pagsusuri ng mga karanasan at pagsubok na hinaharap ng mga nakapagtapos ng Filipino medyor sa pakikipagsapalaran sa LET rebyu, habang tinatahak nila ang kanilang propesyonal na landas matapos ang kanilang pagtatapos. Sa pamamagitan ng kwalitatibong pamamaraan, kinolekta ang datos mula sa mga panayam ng mga kalahok na nakapagtapos ng Filipino medyor sa Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology. Ipinakita ng mga resulta na kahit na ang mga Filipino graduate ay nagpapakita ng katatagan at kakayahang umangkop, nahaharap pa rin sila sa mga hamon sa kanilang pakikipagsapalaran sa LET rebyu. Dagdag pa rito, binibigyang-diin ng pag-aaral ang mga estratehiya na ginagamit ng mga nagtapos upang malampasan ang mga hamon, tulad ng kakulangan ng perasa kanilang pakikipagsapalaran sa LET rebyu. Sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karanasan ng mga nakapagtapos na filipino medyor, layunin ng pag-aaral na ito na magbigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga salik na nakakaapekto sa kanilang karera. Binibigyang-diin ng pag-aaral ang kahalagahan ng angkop na gabay sa karera at ang pangangailangan ng mga sistematikong pagbabago upang makalikha ng mas inklusibo at suportadong kapaligiran para sa mga nagtapos na pumapasok sa mundo ng trabaho. Sa kabuuan, ipinapakita ng pananaliksik ang determinasyon at katatagan ng mga nakapagtapos na Filipino medyor sa pakikipagsapalaran sa LET rebyu sa kanilang pagsusumikap na maabot ang kanilang mga propesyonal na layunin sa kabila ng mga hamon.
Keywords Mga susing salita: Landas ng kakera, hamon, katatagan, kwalitatibong pag-aaral, sosyo-pag uland ng kakera.
Published In Volume 7, Issue 1, January-February 2025
Published On 2025-01-16
Cite This Paglalakbay sa Lunggati: Karanasan ng mga nakatapos na filipino medyor sa pakikipagsapalaran sa LET Rebyu. - Albert C. Mabit, Jobell D. Jajalla, PhD - IJFMR Volume 7, Issue 1, January-February 2025. DOI 10.36948/ijfmr.2025.v07i01.35232
DOI https://doi.org/10.36948/ijfmr.2025.v07i01.35232
Short DOI https://doi.org/g82gqk

Share this