International Journal For Multidisciplinary Research

E-ISSN: 2582-2160     Impact Factor: 9.24

A Widely Indexed Open Access Peer Reviewed Multidisciplinary Bi-monthly Scholarly International Journal

Call for Paper Volume 6 Issue 6 November-December 2024 Submit your research before last 3 days of December to publish your research paper in the issue of November-December.

Pananaw ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Filipino at Ingles Bilang Midyum ng Pag-aaral ng Matematika sa Makabagong Daigdig

Author(s) Cristobal A. Rabuya, Jr.
Country Philippines
Abstract Ang pag-aaral ay naglalayong maipakita ang mga mahahalagang aspeto ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang pananaw sa paggamit ng Filipino at Ingles bilang midyum ng pag-aaral sa kursong "Matematika sa Makabagong Daigdig" gamit ang deskriptibong cross-sectional na disenyo ng pananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa Cummins Theory at Ausubel’s Theory of Meaningful Verbal Learning. Ipinakita ang propayl ng 33 sa 51 BSEd-Math na mag-aaral mula sa isang unibersidad sa Leyte, Pilipinas, batay sa kanilang gulang, kasarian, at marka. Ginamit ang survey questionnaire na may mga tanong tungkol sa mga nabanggit na aspeto pati na rin sa kanilang pananaw sa paggamit ng mga wika. Ang mga datos ay kinolekta gamit ang Google Form, at may response rate na 64.7%. Para sa pag-aanalisa, ginamit ang descriptive statistics tulad ng frequency analysis at mode. Nilinaw ang mga datos gamit ang horizontal bar graph, scatter plot, at pivot table para sa cross-tabulation ng kasarian at midyum ng pag-aaral. Natuklasan na mas pabor sa Ingles ang mga mag-aaral bilang midyum ng pag-aaral, na nagpapakita ng kahalagahan nito sa pag-aaral ng "Matematika sa Makabagong Daigdig". Bagamat mas marami ang pumili ng Ingles, nananatiling mahalaga ang wikang Filipino para sa karagdagang paliwanag mula sa mga guro. Natukoy rin na may mga mag-aaral na nangangailangan ng karagdagang suporta o estratehiya upang mapabuti ang kanilang marka. Sa kabuuan, nagbibigay ang pag-aaral ng mas malalim na pang-unawa sa mga preferensya at pagkakaiba ng mga mag-aaral sa kursong "Matematika sa Makabagong Daigdig". Ito'y maaaring maging gabay para sa mga institusyon ng edukasyon at guro sa pagpaplano ng mga hakbang upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pag-aaral.
Keywords Matematika sa Makabagong Daigdig,Midyum ng Pag-aaral, Deskriptibong cross-sectional
Field Mathematics
Published In Volume 5, Issue 4, July-August 2023
Published On 2023-07-25
Cite This Pananaw ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Filipino at Ingles Bilang Midyum ng Pag-aaral ng Matematika sa Makabagong Daigdig - Cristobal A. Rabuya, Jr. - IJFMR Volume 5, Issue 4, July-August 2023. DOI 10.36948/ijfmr.2023.v05i04.5409
DOI https://doi.org/10.36948/ijfmr.2023.v05i04.5409
Short DOI https://doi.org/gsmnnw

Share this